Al-Mutawa Supreme Chapter 1Ganap Guardians

Al-Mutawa Supreme Chapter 1Ganap Guardians 1GANAP GUARDIANS
The Guardians Brotherhood Organization was first known as the "Diablo Squad" (DS) organization in 1976 Noveau Debut… Ang Bagong Simula!
(13)

OUR STORY

ANG BAGONG SIMULA



Ang Kapatirang Guardians ay nagsimula na puno ng magagandang palatandaan at pangako para sa kinabukasan. Malinaw Ang layunin nito: Ang pagka-isahin ang mga kasapi nito na nakakalat sa iba’t-ibang panig ng kapuluan, mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan, kasama na ang mga propesyonal, mga uniformed personnel, mga dukha at mga di-organisadong tagapag-tatag

ng mga komunidad, grupo ng mga Guardians na dapat buuin bilang isang matibay na organisasyon --- disiplinado, masigla at handa sa mga pagbabago. Matapos na ito ay mapalakas, ang organisasyon ay inasahang magbabago upang maging isang Samahan na kung saan ang kanyang katangian ay mamumukod-tangi sa paghahangad nitong makapag-silbi sa mga komunidad na kanyang kinabibilangan. Upang makilala at madisiplina ang hanay nito, mahigit sa siyamnapung libong kasapi nito ay binigyan ng ID (P150 bawat isa), nangolekta ng buwanang butaw, ang walang-katulad na logo na nakatatak sa tatlong-kulay na t-shirt, buong pagmamalaking suot din ang sombrero habang nagsisilbi sa komunidad. Sa panahon ng kalamidad, mga piyesta at mga panlipunang aktibidades, sila ay katuwang sa pagsasa-ayos at pagdi-disiplina ng mga kalahok rito, kabalikat ng mga pamahalaang lokal, mga samahan ng mga mamamayan, mga bumbero, mga tagapag-patupad ng batas trapiko, at iba pa. Totoo, nasa kamay nito ang lahat ng kinakailangang katangian upang matagumpay na mailunsad ang isang Samahan mula sa ibaba. Subalit nang lumaon, ang mabilis na pag-alagwa ay napipilan, unti-unting bumulusok sa harap ng mga intrigang politikal na naka-apekto sa pinakamataas na hanay ng pamunuan at tungkulin. Ang maigting na diwa ng Kapatitran kung saan ito ipinundar ay nabuwal na parang mga domino, kaantabay ang lideratong doble-kara, walang patumanggang pagsuway sa Saligang Batas, mga pangakong napako, at ang nakagugulat, ang nakabibinging pananahimik nito sa mga usaping panlipunan at sibiko kung saan ay dapat sana itong nanindigan. Hindi lamang ito nabigo na pagka-isahin ang lahat ng mga grupo ng Guardians; ang mas masahol, nabigo rin ito na pagka-isahin ang sarili nitong hanay, kahit may mga pangakong ihinayag at tahasang hindi pagsang-ayon ng mga lider nito. Sa gitna ng mga kaganapang ito naisipang ilagay sa lugar ang panibagong pag-uumpisa --- upang maitama at malinis ang hanay nito laban sa nilason at kaawa-awa nitong kinasadlakan. Ang mga pinuno nitong pang-rehiyon at panlalawigan ay nasumpungan ang pangangailangang makapag-tatag ng bagong organisasyon na nakasentro sa miyembro at hindi sa liderato. Nakita nila na ang pagmamalasakit sa kapakanan ng mga kasapi ang tunay na susi upang mapalakas ang hanay nila. Ang isang Foundation ay unang naitatag, taliwas sa tulak-lideratong asul na ID na walang malinaw na pakinabang sa mga kasapi; ibinukas ito upang pagsilbihan ang mga miyembro ng iba’t-ibang grupo ng Guardians; at nang makita ng higit na nakararaming mga miyembro ang kaaya-ayang pag-kambyo ng pananaw, sila ay umasam sa pagtatatag ng isang bagong Samahan. Bunga nito, isinilang ang 1 GUARDIANS Nationalist of the Philippines o ang 1 GANAP na inilunsad noong ika-9 ng Nobyembre sa gitna ng nag-uumapaw na pagbubunyi ng napakaraming mga kapatid, hindi bababa sa dalawang libong mga kasapi na yumakap sa simulain ng 1 GANAP sa isang payak na seremonya na ginanap sa San Andres Complex sa Malate, Maynila. Sa pamamagitan ng mga legal na dokumento at iba pang mga papeles na alinsunod sa batas, ang araw na iyon ay itinuring na simula ng bagong yugto sa kasaysayan ng Kapatirang Guardians, at kaalinsabay ang mga miyembrong umaasam sa tunay na pagmamalasakit at lantay na serbisyo para sa mga miyembro, pinutol nito ang walong-taong pusod na nag-uugnay rito sa nakaraan, at nanumpa ng katapatan sa tawag ng ganap at makatotohanang pagbabago. Ngayon, ang landas sa makabuluhang pagbabago ay puno ng sariwa at mainam na pamamaraan tungo sa gising na kamalayan at hinasang kaalaman. Alam na ng 1 GANAP ang mga pagkakamali at pagkukulang ng nakaraan na siya nitong iniiwasan at tuluyan nang iwinawaglit sa balintataw man. Nakatanaw ito ngayon sa hinaharap nang may kumpiyansa sa pagtataguyod ng isang buo at disiplinadong grupo, kasama ang ibang sangay ng Guardians, ka-akbay ang pamunuan nito at ang direktang suporta ng kasalukuyang mulat na mga miyembro. Kakayanin nito nang totohanan ang pagpupursige nitong marating pa ng Samahan ang mas mataas pang antas ng tagumpay, katapatan at dedikadong pagsisilbi sa Kapatiran at sa buong bayan.

Address

Abuhadriya, Industrial City Jubail 2
Al-Jubail

1GANAP/GUARDIANS HYMN 1.Tawag sa ‘min ay Guardians Mamamayang maginoo Nagkaka-isang Kapatiran Katuwang ng Pilipino 2. Kapatiran ng Guardians Magigiting at matatapat Tagapagtanggol ng bansa Maging ng ating lipunan 3. Programa at direksyon Ngayon at sa habampanahon Sa bukas-palad na pagtulong 1 Ganap ay tumutugon 4. Matapat sa kanyang pagpapatupad Kaagapay sa pag-unlad Bantayog ng katotohanan Tagapagtanggol ng kalayaan 5. 1 GANAP Guardians Ito’ng aming pangkat 1 GANAP Guardians Guardians na mulat 1 GANAP Guardians Hangari’y umangat Tunay na Pagbabago sa ating Lipunan 1 GANAP, magsasakatuparan 6. 1 GANAP Guardians Lingkod na tapat 1 GANAP Guardians Lingkod ng lahat 1 GANAP Guardians Serbisyo ay sapat Bagong araw na ngayo’y sumikat Kapit-bisig sa hinaharap 7.Tawag sa ‘min ay Guardians Mamamayang maginoo Nagkaka-isang Kapatiran Katuwang ng Pilipino 8. Kapatiran ng Guardians Magigiting at matatapat Tagapagtanggol ng bansa Maging ng ating lipunan Tunay na Pagbabago sa ating Lipunan 1 GANAP, magsasakatuparan Bagong araw na ngayo’y sumikat Kapit-bisig sa hinaharap Tulong-tulong at sama-sama Sa adhikaing kay ganda…. Lyrics & Music by: Ponciano “RMG ZERO TWO” R. Mapuyan

General information

1GUARDIANS NATIONALIST OF THE PHILIPPINES (GANAP/GUARDIANS) INC. S.E.C. Registration. No. CN200814987 NATIONAL HEADQUARTERS Office: 716-F EDSA CUBAO, QUEZON CITY WebSite: www.1ganap.webs.com Tel.No. (02) 352-37-01 Brigadier General MANOLO "SGF JADE" N.DIAMANTE (National Chairman/President)

Telephone

02-352-3701

Products

URI NG MGA KASAPI (RH Marking)

MG - Magic Group Civilian
B - Blue Army
A - Air Air Force
N - Navy Navy
G - Gold PNP, BJMP, BFP
M - Maroon Marine
R - Red PC
W - White MP

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Al-Mutawa Supreme Chapter 1Ganap Guardians posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Al-Mutawa Supreme Chapter 1Ganap Guardians:

Share