12/11/2023
Hello there Dison Here.
Share ko lang application story ko with Optum, Newbie palang ako pero okey para saken yung company. Sana soon kayo rin.
Share ko muna kung anong experience ko Kasi application may vary paren eh. So I have more than one year BPO experience I take pride in being part of a good Telco company before so para saken may persuasive skills ako, di masyadong maganda yung English ko pero ayun na nga atleast lagi nakong nakikipagusap sa Kano. So while nasa current Job pako I apply due to something personal. Still naghahanap ako ng better company, madami akong inapplyan before malakas naman loob ko na matatanggap ako atleast 75 percent ng aapplyan ko.
Now madami nang nang offer mga 2 or 3 company sya, Sutherland, Concentrix tas TDCX pero ang nakakuha ng atensyon ko is si Alam na. OPTUM, bakit?
-maxicare kase... Yearly salary increase pa, minimum of 1k maximum or 5k. Depende sa metrics mo.
Tas sa lahat ng healthcare eto lang yung madaming incentives, baka sa account lang namin yun basta ang common Kasi naririnig ko pag healthcare daw walang pera. Pero dito maganda madaming incentives saka pakulo.
-Andito narin yung benefit ng insurance, accident saka death, Dalawa yun. Tas depende sa site madami pang pa activity room: karaoke, play station area, wellness room(massage area to) tas nasabi kona ata free coffee and hot choco tas other drinks (salabat saka tsaa sa night time to) all day yung choco saka coffee.
Tas madaming good review dito bago ako nag join, ayoko rin naman kasing mag resign sa previous company ko kaso nahumaling ako sa yearly salary increase nila. Para saken kase importante yun.
Ayun yung considerations ko bakit ako nag apply. Ngayon pano ba yung naging application ko.
Eto initial interview, English conversation lang, tell me about yourself(something na Wala sa resume) Bali kinwento ko na manga reader ako. Tas yung next eh yung tungkol sa konting call flow na mock call. Out of 4 na metrics 2.3 yung score ko, pasado na pasang awa.🤣
Naalala ko pa nga yung kasama ko sa application 2.2 sya literal.... Atleast pasado then final interview na kame pareho.
Ayun pumasa sya ako naman pumasa din madali lang yung Tanong sa kanya diko na lang ikekwento pero saken mahirap eh 🤧, nakwento ko Kasi yung Telco skills edi sinubukan ni sir. Jim, sya yung final interviewer ko. Ayun tas wait lang ako sa pantry saglit afterwards sinabi nila "is Edison Orozco here" nagsabi ako, "here po" then sinabi na nila yung masarap na salitang... You passed!!! Parang nanalo ako nung time na yun Kasi yung iba iniinterview palang tas ako yung unang nakapasa, nakakatuwa lang tas Ayun uwi nako.
Share kolang. Yung interview ako ginamitan kolang ng confidence. Confidence is the key talaga. Okey lang may mali basta sinikap mong itama.😉
Sa mga gustong mag apply check nyo tong page:.
I help Filipinos Get Hired at OPTUM with tips and tricks and success stories