04/06/2026
ISANG LAPIS, ISANG PAPEL
Isang makabuluhan at matagumpay na araw ang aming naranasan sa Bagbaguin Elementary School sa pamamagitan ng proyekto ng pagbibigay ng school supplies sa mga mag-aaral. Ang simpleng handog na ito ay sumasalamin sa paniniwalang ang bawat lapis at papel ay maaaring maging daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Taos-pusong pasasalamat sa mga volunteers mula sa HIRAYA, sa Riverside Youth Club sa pangunguna ni Sir Ronel Loticio, at sa mga masisipag na mag-aaral ng Estrella Academy of Sta. Clara, Inc. na naglaan ng oras, lakas, at malasakit upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Punong G**o ng Bagbaguin Elementary School, Ma'am Annabelle S. Reyes, at kay Ma'am Reilina G. Nolasco sa kanilang mainit na pagtanggap, suporta, at pakikipagtulungan na naging susi sa matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang proyektong ito upang mas marami pang puso ang magkaisa para sa kapakanan ng edukasyon at ng kabataang Pilipino.
"Isang Lapis, Isang Papel "