104.7 RC FM Rainbow Connection

104.7 RC FM Rainbow Connection Radio ng Bayan San Antonio

05/04/2025

Kuwento ng 'Tokhang' victims sa panahon ni Bato bilang PNP chief binuhay

Muling ibinahagi ng isang Pilipinong photojournalist na kilala sa pagdodokumento ng madugong giyera kontra droga noong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kuwento ng ilan sa mga napatay sa panahon ng panunungkulan ng noo’y Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Inilabas ni Ezra Acayan sa kanyang page ang mga larawan at video ng tatlo sa libu-libong kaso ng extrajudicial killings (EJKs) na kanyang naidokumento.

Kabilang na rito ang libing ni Leah Espiritu, isang ina na may anim na anak at inakusahan bilang small-time pusher. Pinatay siya habang naglalaba sa labas ng kanyang bahay.

“It was just one of too many funerals I covered during the drug war. I may have lost my sanity at some point—not because of what I was seeing, but because so many others saw this and thought it was the right thing,” wika ni Acayan.

Ibinahagi rin ni Acayan ang larawan mula sa libing ni Aldrin Pineda, isang 13-taong-gulang na bata na nabaril at napatay ng isang pulis habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay. Depensa ng pulis, nadapa siya at aksidenteng pumutok ang kanyang baril.

Ipinakita rin niya ang kanyang kuha sa bangkay ng construction worker na si Gilbert Beguelme habang nakasubsob sa harap ng isang jeepney matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin. Ayon sa kanyang mga kapatid, una na nilang binalaan si Beguelme na tumigil sa paggamit ng iligal na droga.

Naganap ang tatlong pagpaslang sa pagitan ng 2016 hanggang 2018, sa panahon ng panunungkulan ni Dela Rosa bilang PNP chief at pangunahing tagapagpatupad ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon.

Una nang sinabi ni Dela Rosa na hihingi siya ng proteksyon sa Senado sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC). Ngunit kamakailan, nagbago ang kanyang pahayag at sinabing magtatago na lang siya para hindi mahuli.

Samantala, nagbabala ang isang political analyst laban sa pagiging “pa-victim” ni Dela Rosa para makakuha ng katulad na suporta at simpatyang natatanggap ni Duterte mula sa kanyang mga tagasuporta.

“Sen. Dela Rosa’s disposition these days is to make it appear that he too is being persecuted by Duterte’s rivals with the hope of getting the same support or sympathy that Rody is enjoying nowadays, as we are seeing with the intensified online operations to boost their image and popularity,” wika ni Arjan Aguirre, assistant professor sa Ateneo de Manila University.

Ayon pa kay Aguirre, siguradong pinapayuhan si Dela Rosa na magsalita o gumawa ng mga bagay na may kaugnayan sa mga Duterte at sa mga kontrobersiyang kinakaharap nila bilang bahagi ng kanyang kandidatura.

On December 12, 2024,personnel of Olongapo City MARPSTA -San Antonio MLET together with  (4) Brgy. Officials of  Brgy.Lo...
12/12/2024

On December 12, 2024,personnel of Olongapo City MARPSTA -San Antonio MLET together with (4) Brgy. Officials of Brgy.Lomboy ,Cabangan,Zambales conducted Simultaneous Mangrove Planting in relation to Maritime Group One Time Big Time Activity held at Brgy.Lomboy ,Cabangan,Zambales. A total of Thirty (30) mangrove propagules seedlings were planted in the said area.

Enjoy good food and great ambience @ Wideplate Restaurant . Bring your Family and Friends experience Wideplate. Located ...
18/10/2022

Enjoy good food and great ambience @ Wideplate Restaurant . Bring your Family and Friends experience Wideplate. Located @ Ground Floor, Balay Grace, Concepcion St, Barangay Santiago, San Antonio, Zambales. Contact them @ +63 966 965 9998

14/06/2020

WE ARE GIVING AWAY FREE WICKED MAN BEER.
Click on this link to join:

👉👉 https://hypeddit.com/url/ur08nj

Don't forget to stream our songs "Wicked Man" or "Ilang Beses" after you sign up. The more you stream, the more chances of winning.

Wicked Man is specially brewed by Boondocks Brewing for the band Hey Moonshine, inspired by their song of the same title.

Winners will be announced every Friday at our FB Page.



Address

San Antonio
2206

Telephone

09201637588

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 104.7 RC FM Rainbow Connection posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share