23/03/2026
🏮✨ 15,000 LANTERNS.
ISANG GABI NG LIWANAG.
ISANG WORLD RECORD PARA SA PAMPANGA.✨🏮
Isang makasaysayang gabi ang inaasahang magpapaliwanag sa The Lakeshore sa darating na May 10, 2026.
Personal na bumisita sa tanggapan ni Governor Lilia “Nanay” Pineda sa Kapitolyo si Maricar Pangilinan, AVP ng Lakeshore Events and Management, upang magsagawa ng courtesy call at humingi ng suporta para sa paparating na “Lumina: Water Lantern and Music Festival.”
Layunin ng naturang event na makapagtala ng Guinness World Record sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagpapailaw at pagpapalutang ng tinatayang 15,000 eco-friendly paper lanterns sa tubig ng The Lakeshore.
Habang lumulutang ang libo-libong parol sa gabi, inaasahang magiging simbolo ito ng liwanag, pag-asa, at pagkakaisa, isang tanawing hindi lamang magpapahanga sa mga manonood, kundi maglalagay din sa Pampanga sa pandaigdigang talaan ng mga makasaysayang kaganapan.