Aplikante kaba o di kayaβy Amo? PAKIBASA MUNA.
SA MGA APLIKANTE: Maraming mga amo na nag chat ng direkta sa mga aplikante at yun pala, sangkatirba ang mga trabaho pagdating sa bahay ng amo, di sinasahoran ng tama, di tumupad sa usapan, inaabuso, walang mga benepisyo at walang day off. Hindi naman lahat pero ibayong pag-iingat po lamang. Kadalasan ding mas mababa ang sahod pag direkta kang namasukan at di dumaan sa isang lehitimong maid agency tulad namin. Mag ingat din sa ibang maid agency dahil maraming mapagsamantala. Bawal po kaltasan ang sahod ninyo. Pag kinaltasan kayo, hindi kami yan dahil bawal po ang kaltas sa sahod sa mga kasambahay sang ayon sa Batas Kasambahay.
SA MGA AMO: Sa kabilang banda, maraming ding mga nagpakunwaring mga aplikante ang dumirektang nakipag chat sa mga amo na nag post ng kanilang mga hiring at yun pala humihingi ng pamasahe, o di kaya ninakawan pa ang mga amo. Bago ma deploy ang mga aplikante, marami pa silang pagdaanan tulad ng pagsiguro na sila ay kompleto ng mga papeles tulad ng brgy, police at nbi clearance at may medical clearance sa chest x-ray, at Hepatitis B. Tandaan, madami pong mga aplikante ang bumagsak sa medical o di kaya kulang sa mga papeles at dahil dito nag apply ng direkta o di kaya nagpapa refer sa kaibigan. Delikado po ito kung health and safety ng pamilya mo ang nakataya. Kaya maging mapanuri.
PARA SA LAHAT: Marami din pong nagpapanggap na sila di umano ay staff ng QUALITY CARE EMPLOYMENT SERVICES at nag recruit ng mga kasambahay. TANDAAN: Kung di kayo hinihingian ng bagong BRGY CLEARANCE, POLICE CLEARANCE at NBI CLEARANCE, di po kami yan. Kung hindi po kayo pinapunta mismo sa aming mga opisina sa CEBU, MANILA, or DAVAO di po kami yan. PAGDATING NINYO SA AMING OPISINA, HANAPIN AGAD ANG AMING DOLE LICENSE. KARAPATAN PO NINYO ANG MAGTANONG AT MAKITA ANG MGA LISENSYA LALO NA ANG DOLE LICENSE. Dapat po ang LISENSYA ay nakapangalan sa: QUALITY CARE EMPLOYMENT SERVICES.
WALANG MAGIGING PANANAGUTAN ANG QUALITY CARE EMPLOYMENT SERVICES sa mga amo at aplikante na direktang nag-uusap sa pamamagitan ng aming page. Mahigpit po ang proseso ng aming agency sa pagtanggap ng mga aplikante at pati ng mga amo. Para maiwasan ang mga di-kanais nais na mga pangyayari, maaring mag-apply at kumuha lamang ng kasambahay sa Quality Care Employment Services (LifeMAIDeasy.PH)