22/10/2026
PESO BALITA | DOLE PALAWAN, NAGSAGAWA NG TUPAD VALIDATION SA MGA NASUNUGAN SA BRGY. MASIPAG
Noong October 20, 2026, nagsagawa ang DOLE Palawan Field Office ng TUPAD validation para sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Barangay Masipag, Puerto Princesa City.
Nakiisa rin ang City PESO Puerto Princesa sa naturang aktibidad bilang bahagi ng pagtutulungan upang maihatid ang tulong sa mga nangangailangang residente.
Patuloy ang koordinasyon ng DOLE Palawan at City PESO upang matulungan ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan at pang-empleyo.