03/11/2021
BEWARE OF FAKE RECRUITERS!!!!! MAG INGAT SA MANLOLOKO!!!!
Pinag iingat po ang lahat sa mga taong nangangako ng trabaho abroad at nagpapakilala na nagtatrabaho o konektado sa isang lehitimong ahensya.
Nais po naming ipaalam sa madlang pipol na si IRA / IRA ZACH (https://www.facebook.com/ira.zach28) ay hindi po namin empleyado at hindi rin konektado sa aming ahensya.
Ang pamunuan po ng A.D.M. INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES COMPANY ay walang pananagutan sa sino mang napangakuan o nakausap o sa anumang napagkasunduan nyo ng taong ito.
Mag ingat po sa mga taong nangangako ng trabaho sa abroad.... maging mapagmatyag... maging alerto.... maging matalino..... huwag paloloko!