12/08/2020
Crab mentality, ang dahilan kung bakit hindi umaangat ang mga pinoy. Alamin ito๐๐
Crab Mentality:
Ang ibig sabihin ng crab mentality sa tagalog ay utak talangka.
Ang crab mentality o utak talangka ay pag โ iisip na nakabatay sa paniniwala na โkung hindi ko makukuha ang gusto ko, hindi mo din dapat makuha ang gusto moโ. Ang katagang ito ay naimbento ng manunulat na si Ninotchka Rosca bilang paghahalintulad sa mga talangka sa loob ng palayok. Ito ay isang pag โ uugaling makasarili na inihalintulad sa kilos ng isang talangka. Gamit ang kanilang mga sipit, kaya ng talangka na hilahin ang iba pang mga talangka hanggang sa marating nito ng pinakatuktok ng kanilang kinalalagyan maging ito man ay isang balde, palayok, o sisidlan.
Sa tao, ang crab mentality o utak talangka ay isang hindi magandang pag โ uugali sapagkat taglay nito ang pagiging makasarili. Isang taong gagawin ang lahat kahit pa manapak ng iba para lang makuha ang gusto niya. Ang taong ito ay gagawin ang lahat upang hindi magtagumpay ang kanyang kapwa bunga ng inggit, sabwatan, at pagiging mapagkumpetensiya. Kadalasan, hindi batid ng taong nagtataglay ng ganitong mentalidad na siya mayroon nito sapagkat iniisip niya na ang buhay ay sadyang puno ng kompetisyon at ito ay normal para mabuhay. Gayun pa man, mayroong mga palatandaan para matukoy kung ang isang tao ay nagtataglay ng ganitong uri ng mentalidad.