16/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐/๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐
๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Back to normal operations! 'Yan ang inanunsyo ng Maritime Industry Authority (MARINA) ukol sa processing ng Seafarer's Identity Document (SID) at Seafarer's Record Book (SRB) sa MARINA Central Office sa Manila.
Ayon kay MARINA Administrator Sonia Malaluan, maaari nang makuha ng mga aplikante ang kanilang mga aktuwal na SID at SRB sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong oras, regular man o expedited ang kanilang aplikasyon.
โMalugod nating ipinapaalam na dito sa Central Office ay back to normal na ang processing natin ng SID/SRB. In two to three hours, maaari nang makuha ang ating mga dokumento,โ ani Malaluan.
Hinimok naman ng pamunuan ng MARINA ang mga marino na sumunod sa kanilang nakatakdang schedule at tiyaking kumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang pabalik-balik na pagpunta sa MARINA.
โHumihingi kami ng paumanhin dahil nagkaroon po ng problema nitong mga nakaraang linggo. Pero ngayong balik na sa normal ang ating proseso, lahat po kayo ay mabibigyan natin ng serbisyo. Salamat po sa pagbibigay pasensya,"
Samantala, personal na naranasan ng isang seafarer ang mas mabilis na proseso sa Central Office.
Ayon kay Bernie Serrano, isang seafarer, wala pang isang oras ay nakuha na niya ang kanyang SRB.
โOkay naman po, Mabilis, nakuha agadโsaglit lang po. Mga 7:30 a.m. ako natapos sa mga steps, tapos nakuha ko mga 8:00 a.m. pa lang. Maganda, mabilis, nakuha agad yung Seamanโs Book ko.โ
Samantala, dagdag ni Malaluan, inaasahang magbubukas ngayong linggo ang SID/SRB processing centers sa DMW, at Trium, Pasay.
Patuloy din ang testing para sa processing sa Regional Offices ng mga dokumento, na posibleng back-to-normal na operasyon sa susunod na linggo.