28/07/2025
How to be a Freelancer/Virtual Assistant?
Ano po bang pwedeng niche pag galing sa BPO?
Pano ba makakahanap ng clients?
Okay, intro tayo. Most asked questions yan sa mga taong wala pang idea sa freelancing. I will share kung ano ung mga naging steps ko nung nagsisimula ako wayback 2020.
Hindi ako coach, hindi ako expert. Im just sharing my experiences na baka magwork sa inyo or pwede ring hindi.
✅ Unang ginawa ko nagjoin ako sa mga freelancing groups. (Use keywords like, Upwork, OnlineJobs and Freelancing).
Nagbasa-basa lang ako ng mga thread kahit wala akong idea sa mga pinag-uusapan. (Way ko un para maging familiar sa kalakaran ng freelancing)
✅ Next, nilaspag ko si google at youtube. Kada may maeencounter akong hindi familiar na term na pinag-uusapan, hinahagilap ko agad kay google/youtube.
Sulitin natin yang mga yan dahil libre naman. 😁 You can also use facebook groups if may mga tanong kayo. Maximize nyo ung SEARCH sa mga groups.
✅ Identify your skills. Hindi ka pwedeng papasok ng freelancing ng wala kang maiooffer na skills or service na maibebenta mo sa mga clients. We are business owners dito, at yung binibenta natin eh yung mga skills natin.
For example, ang skills ko ay Facebook Ads. Ako yung naglalaunch ng mga Ads ng mga clients ko.
Ang haba na pala. 😂 Sa susunod na ulit.