02/12/2025
PHILIPPINES - FINLAND FRIENDSHIP WEEK JOB FAIR
Ipinababatid ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagdaraos ng PhilippinesโFinland Friendship Week Mega Jobs Fair sa December 3, 2025 sa Megatrade Hall 3, SM Megamall, Mandaluyong City. Tinatayang 800 job vacancies ang bukas para sa mga nagnanais magtrabaho sa Finland.
Anim na malalaking Recruitment Agencies na naghahanap ng mga skilled workers tulad ng welders, CNC machinists, factory workers, restaurant staff, cleaners, at iba pang teknikal na trabaho. Hinihikayat ang mga aplikante na dalhin ang kanilang passport, resume, diploma, at TESDA certificates. Upang maging handa, magdala ng maraming kopya ng resume at magsuot ng nararapat na attire para sa on-the-spot screening o interview.
Paalala rin na kinakailangan ang Job Fair Pass/QR Code mula sa DMW Job Fair Portal para makapasok. Ipakita ito sa registration area at siguraduhing i-scan bago lumabas upang makumpleto ang proseso.
1. Pagpaparehistro
Bisitahin ang opisyal na website o portal ng job fair (https://jobfairportal.dmw.gov.ph)
Paraan ng pagrehistro
Kung kayo ay may eRegistration account na, i-type ang inyong email address at ang inyong password na gamit sa eRegistration at i-click ang Sign in
Kung kayo ay wala pang eRegistration account, i-click ang I donโt have eRegitration account
Punan ang kinakailangang impormasyon tulad ng:
Buong pangalan
Gender
Address
eMail address
Contact number
Educational background
Karanasan sa trabaho (kung mayroon)
Preferred job category
Lagyan ng check ang I agree to the DMW Data Privacy Notice
I-click ang Submit Registration button
Kung kayo ay nakapag register na ngunit hindi na malala ang log-in detais, i-click ang I already have Job Fair Pass. I-type ang inyong email address at ang inyong birth date.
2. Pag Generate ng QR code
Kung kayo ay nakapag log-in na gamit ang alinman sa tatlong (3) paraan ng pagpaparehistro, i-click ang โShow Job Fair Detailsโ
Sa Jobfair Details, i-click ang โPre-Registerโ para makapag generate ng inyong QR code
Sa araw ng job fair, ipakita ang QR code o Job Fair pass sa Registration Booth/Table.
Happy Job Hunting mga Kabayan!