09/08/2025
Magmasid manigurado mag ingat sa illegal recruiters and human traffickers
Apply lamang sa lehitimong ahensya
License and trusted RECRUITMENT AGENCIES
CHECK SA DMW LISTINGS BEFORE APPLYING....
30 POSIBLENG BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASAGIP SA ZAMBOANGA CITY
ZAMBOANGA CITY — Isang matagumpay na inter-agency rescue operation ang isinagawa dakong 9:15 ng gabi noong ika-8 ng Agosto 2025, sa Haji Taha Wharf, Barangay Baliwasan, Zamboanga City, kung saan nasagip ang 30 indibidwal na pinaniniwalaang mga biktima ng human trafficking.
Pinangunahan ng Zamboanga City Maritime Police Station (MARPSTA), katuwang ang Inter-Agency Council Against Trafficking - Department of Justice (IACAT-DOJ) bilang lead unit, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Migrant Workers (DMW), Women and Children Protection Desk (WCPD), Coast Guard Station-ZC (CGS-ZC), Basilan SBC 1st SOU, Naval Intelligence and Security Group (NISG), at Zamboanga City Police Office (ZCPO).
Matagumpay na masagip ang 27 matatanda at tatlong menor de edad mula sa isang motor launch na kinilalang J-Sayang 1, na umano'y bibiyahe patungong Taganak Island, Tawi-Tawi — isang kilalang backdoor exit point patungong ibang bansa.
Ang mga nasagip ay agad na dinala sa DSWD Center sa Barangay Mampang, Zamboanga City lulan ng Regional Maritime Unit 9 Utility Truck para sa kaukulang pagsusuri, beripikasyon, at psycho-social intervention. Kasalukuyan silang nasa pangangalaga ng DSWD upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kapakanan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang buong saklaw ng insidente at ang mga posibleng nasa likod ng iligal na aktibidad. Ang operasyong ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra human trafficking, lalung-lalo na sa mga lugar na ginagamit bilang daanan patungong ibang bansa sa pamamagitan ng hindi awtorisadong ruta o paglalayag.