02/09/2022
BAGO KA MAG-ABROAD...
Huwag kang mag-aabroad
Kung Hindi BUO ANG LOOB MO!
Huwag kang mag-aabroad
Kung may pumilit lamang sa iyo!
Huwag kang mag abroad kung
Hindi mo kayang magsakripisyo,
Hindi lang basta sakripisyo
Kundi walang katapusang pagsasakripisyo!
Huwag kang mag-abroad kung
Hindi mo kayang MAGPASENSYA!
Dahil dito milya milyang pisi ng pasensya dapat ang dala dala mo!
Huwag kang mag-abroad kung
Hindi mo kayang MAGTIYAGA!
Dahil hindi kahit kailanman
Madali ang trabaho dito.
Huwag kang mag-abroad kung
MALULUNGKUTIN ka at hindi mo kayang
Gumawa ng paraan para maaaliw ka.
Huwag kang mag-aabroad kung
MATATAKUTIN KA!
Dahil dito marami kang maririnig na hindi kanais nais na kuwento,
At hindi lang basta kuwento kundi
Sadyang totoo ang mga iyon.
Ngunit kung ikaw ay mabilis na
Papaapekto, Trabaho ang pinunta mo, hindi mga kuwento.
Huwag kang mag-abroad kung hindi mo kayang MAKISAMA!
Dahil iba't ibang lahi ang makakasaluha mo.
Huwag kang mag-abroad kung HINDI KA MATATAG, dito maraming maaaring manira sa iyo o
Maraming darating na pagsubok.
Huwag kang mag-aabroad kung
Sadyang mahina ang kalusugan mo,
Dahil hindi lang bigat ng trabaho, kundi puyat, kulang sa pagkain, kawalan ng gamot, at pabago bagong panahon ang kalaban mo dito.
Huwag kang mag-aabroad kung
Mahina ang iyong Paninindigan at prinsipyo sa buhay,
Dahil dito naglipana ang lahat ng TUKSO!
Huwag kang mag-aabroad kung wala kang MATIBAY NA DETERMINASYON na paglabanan ang anumang maaaring hadlang para matupad ang pangarap na iyong binuo bago ka pa umalis ng bansa.
Higit sa lahat,
Huwag kang mag-aabroad kung
Wala kang MATIBAY NA PANANALIG AT KAPIT SA ITAAS,
Dahil siya lamang ang unang una mong masasandigan dito sa ibang bansa.
Kaya naniniwala akong lahat tayo ngayong OFW ay meron lahat ng katangian na iyan!
Ishare sa mga gustong mag-abroad
Upang bago sumulong ay handang handa na!
TARA MAG APPLY NA! pm lang po :)