25/09/2026
Itinaas ng Taiwan ang minimum wage sa NT$30,900 kada buwan mula sa kasalukuyang NT$29,500.
Ayon sa Minimum Wage Review Committee, magiging NT$205 kada oras ang bagong hourly rate, mula NT$196.
Magsisimula ang bagong wage rates sa Enero 1, 2027.
📌 Para sa mga Filipino migrant workers na sakop ng minimum wage, katumbas ito ng NT$1,400 na dagdag kada buwan, bago ang overtime, allowances at deductions.
Sa halimbawang exchange rate na NT$1 = ₱1.80, ang bagong monthly minimum wage ay humigit-kumulang ₱55,620.