08/10/2024
Not to get some bashing but to state my so far view and opinion during this campaign period.
Sa mga nangangampanya po, please naman be considerate sa mga commuters and other people (employee, student, normal citizen na may lakad) wag niyo naman po sakupin yung daan at yung mga tao po ninyo turuan nyong tumabi sa daan at wag unahin yung pag seselfie at picture.
Hindi niyo alam, malelate na pala yan sa work (as a breadwinner na yun lang source of income) or school (as a scholar para makapagaral), may interview pala yan para sa trabaho na hinihintay nya, may emergency pala yan na kailangan mabigyan ng agarang aksyon, may kailangan pala yang puntahan sa ospital, kailangan dalhin sa ospital, and everything that needs urgency.
I understand yung need for campaign, and need ng space pero can we not check other better solutions?yung normal days nga may nararanasan ng traffic at hirap na sa daan sasamahan pa ng mga reroute na instead 5mins lang nasa mainroad kana it will take 20mins kase iikot ka pa which will lead you sa same exit ng 5mins route mo.
Di ba pwede pag may campaign kayo or general assembly sa mga covered court (project nyo naman mga yan so i utilize nyo), open space or field na hindi kayo sa gitna ng daan? Pag nag bahay bahay kayo pwede bang piliin niyo lang yung mga sasama po sa inyo? hindi halos buong barangay kasama nyo.
In my opinion... You know, people will vote for you kahit isa o dalawa lang yung kasama nyo mangampanya if you are really worth it. But then again, Pilipinas nga pala to mas maraming kilala at kaibigan (kahit di naman totoo) mas pabor sa masa. This is just me saying...
And as I was typing this kanina, may emergency sa isang ambulance (I saw that person na sinakay sa ambulansya, and may wound sya and bleeding sya) and can't get out of the way sa sobrang traffic, kahit anong wang wang, the ambulance even used megaphone na tumabi sa daan pero wala sobrang traffic tapos makikita mo sa gitna ng daan kaya pala traffic ay may sumasayaw at hiyawan (take note hindi ito yung usual na mga nangangampanya na bigla sumasayaw sa daan, this woman is quite classy para maging isang normal na nangangampanya makikita mo sa galaw, porma, at ayos nya na may kaya sya and it was really part of their campaign)
Let's all be responsible and considerate during the campaign period.