24/04/2026
Sa ngalan po ng Barangay Council sa pamumuno ni Punong Barangay May M. Hertez, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakiisa sa nakaraang pista, lalo na noong segundadia. Kung wala ang inyong suporta, hindi po namin agad-agad mabibili ang mga upuang kinakailangan ng mga mag-aaral ng Sto. Niรฑo Integrated School.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga dedikadong g**o at kawani ng SNIS, sa pamumuno ni G. Demosthenes Vibandor, para sa kanilang walang kapagurang pagtuturo, pagtatrabaho, at paglilibot upang makahanap ng mga estudyanteng nais mag-enroll. Dahil sa kanilang pagsisikap, unti-unti nating maisasakatuparan ang inaasam na pagkakaroon ng Senior High School dito sa ating Barangay. Nawaโy ito na ang maging mitsa ng tuloy-tuloy na pag-usbong ng Senior High School sa ating Barangay .๐ฑ๐๐