18/04/2019
Paano nga ba talaga kumikita ang pera sa Mutual Fund?
1. Magsimula tayo sa Bangko
Ang Bangko: alam natin lahat na dito natin tinatago ang pera natin, dito natin dinedeposit ang IPON or SAVINGS, dito natin sinisave ang extra money natin para sa Future. Pero!? pero, malaki ba ang interest, "ang totoo ay maliit po" 0.25% to 1% , ito ay higit na mababa sa Philippine Inflation Rate (rate nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin) na 4%, nakakalungkot isipin, di ba?
2. Ano ang ginagawa ng bangko sa Pera na Dineposit mo sa kanila?
Simple lang: Ini-ivest nila ang pera mo sa mga investments tulad ng Stock Market at Mutual Funds, kumikita sila ng about 20% kada taon, pero ang binigay lang nila sayo ay mas mababa pa sa 1%, pampalubag loob? Ibig sabihin sila ang mas kumita at nakinabang sa pera na pinaghirapan mong ipunin.
3. Kung kaya Binuo ang Mutual Fund...
Para ikaw mismo na empleyado, mang-gagawa, at self-employed ay maari nang makapag-invest at kumita sa sarili mong pera. 'Wag puro bangko kapatid, mag-invest ka din pag may time.
4. Paano Kumikita ang Mutual Fund? Dito naman Tayo Kaibigan!
Ang pera na ininvest/inilagak mo sa mutual fund ay iniinvest ng Mutual Fund Company sa Stock Market, ang Stock market ay binubuo ng mga malalaking negosyo tulad ng SM, PLDT, Globe, Ayala, McDo, Jollibee at marami pang iba. Kapag may Mutual Fund (MF) Account ka, ibig sabihin, nagiging part owner o kasosyo ka ng mga kumpanyang ito. Sa madaling salita kapag kumita sila, kikita ka din dahil nag-invest ka sa kanila.
5. Bigyan kita ng Technical na halimbawa.
Ang Philequity Fund, Inc ay May NAVPS (Net Asset Value Per Share) na P26.9322 Noong December 2013, at ngayong December 2014 ay may NAVPS value na siya na P37.1886 . Ibig sabihin tumaas ang value ng NAVPS ng P10.2564 or about 27% (Ito ay dahil lumago ang negosyong pinag-invest-an nila nuon)
6. Isa pang mas madaling halimbawa.
Kung may ininvest ka na P100,000 nuong 2013 sa MF, ngayon ay P127,000 na ang halaga nito, tumubo ka ng P27,000. Congrats! (27% Return/Kita)
Note: Kikita ka ng P27,000 sa bangko kung doon mo nilagay P100,000? Oo naman, kumita at tumubo ang pera mo, pero hindi sayo yun mapupunta kundi sa Bangko pa din, bibigyan ka lang nila ng 1% lang. Maliit at nakakainis.
Note: Maari mong makuha ng buo ang interest/kita/tubo ng pera mo. Simple lang ang Dapat mong gawin, mag open ka ng Mutual Fund Account.
Facts: 20 years ng consistent ang Philequity Mngt Inc. na may Annual Average Return na 20% , na alam nating lahat na mas mataas ang return na ito kumpara kung nakatengga lang ang ating pera sa savings account sa mga bangko
Note: Isa ang Philequity sa mga respetadong Mutual Fund Company sa bansa natin, Subukan mo Kaibigan, Mag-invest ka habang bata pa tayo. Mag Mutual Fund ka na!
~A Financial Advisor will assist you~
~pics credit to real owner