27/03/2026
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
27 March 2026
๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐๐บ๐ฎ๐ป๐ผโ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ถ๐น ๐ป๐ด ๐๐ ๐ช
๐๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Ipinatigil ngayong araw, Marso 27, 2026, ng Department of Migrant Workers (DMW) ang operasyon ng Creative Artist Placement Services Inc. at Schengen Visa Caps matapos umano silang masangkot sa ilegal na recruitment.
Alinsunod sa Closure Orders No. 6 at 7, Series of 2025, pinasara ng DMW ang dalawang opisina dahil sa umanoโy magkasanib nilang operasyon sa panlilinlang sa mga naghahanap ng trabaho sa ibayong dagat.
Batay sa mga ulat, nangako umano ang Creative at Schengen ng mga trabaho tulad ng factory worker, farmer, housekeeper, cleaner, driver, at saleslady sa ibaโt ibang bansa sa Europa, kabilang ang Poland, Albania, Czech Republic, at Hungary. Inalok din umano ang mga aplikante ng sahod na aabot sa Php 80,000 kada buwan.
Kapalit ng naturang mga pangako, naningil umano ang dalawang opisina ng halagang mula Php 100,000 hanggang Php 150,000 bilang processing fee. Gayunman, wala ni isa sa mga biktima ang napaalis para sa ipinangakong trabaho.
Dahil dito, mahaharap sa kasong illegal recruitment ang mga taong nasa likod ng Creative Artist Placement Services Inc. at Schengen Visa Caps. Inihayag din ng DMW na irerekomenda nilang maisama ang mga ito sa List of Persons and Entities with Derogatory Record ng ahensya.
Nananawagan ang DMW Migrant Workers Protection Bureau sa mga biktima ng Creative at Schengen na makipag-ugnayan lamang sa pamamagitan ng [email protected] para sa libreng tulong legal.