01/05/2026
๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ!
Matagumpay na naisagawa ang 124th Labor Day Job Fair 2026 ngayong May 1, 2026 sa Marinduque State University Gymnasium sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Provincial Government of Marinduque sa pamamagitan ng LMD-PESO, at Marinduque State University, katuwang ang ibaโt ibang national government agencies na naghatid ng kani-kanilang serbisyo kabilang ang TESDA, DTI, OWWA, DMW, CSC, DICT, PSA, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, PNP, at PIA.
Sa kabuuan, may 1,289 job vacancies ang naihain para sa mga jobseekers. Mula sa 207 registered applicants na lumahok, 112 ang qualified applicants, 36 ang nearly hired, at 42 ang hired on the spot. Nilahukan ang aktibidad ng 23 employers mula sa loob at labas ng probinsya, 1 government agency, at 2 employers para sa overseas job vacancies, na lalong nagbigay ng mas malawak na pagpipilian ng oportunidad para sa mga dumalo. Bukod dito, may kabuuang 183 kliyente ang nag-avail ng one-stop-shop services mula sa mga partner agencies, na naghatid ng agarang tulong at serbisyong pampamahalaan sa iisang lugar.
Dumalo rin at nagbigay suporta ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang sektor, kabilang sina DOLE Regional Director Naomi Lyn C. Abellana, Congressman Reynaldo P. Salvacion, Vice Governor Romulo A. Bacorro, Jr., Board Member Engr. John R. Pelaez, DOLE Provincial Head Marjun S. Moreno, LMD-PESO Provincial PESO Manager Alma C. Timtiman, CSC FO-Marinduque Director Jacinto C. Mateo III, University President Prof. Dr. Diosdado P. Zulueta, DTI Provincial Director Dr. Roniel M. Macatol, TESDA Acting Provincial Director Mr. Erwin M. Buรฑag, Family Welfare Officer ng OWWA Marinduque Ms. Venus G. Narvaez, at Labor and Employment Officer mula sa DMW Mr. Rydyl Rapsing.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa pangunguna ni Governor Melecio J. Go sa lahat ng partner agencies, employers, at jobseekers na naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng 124th Labor Day Job Fair 2026. Patuloy ang ating hangarin na makapaghatid ng mas maraming oportunidad at serbisyo para sa bawat Marindukenyo.