09/10/2026
Para sa pag sisimula nga exam bukas.
Sana po ay paboran tayo ng Panginoon at bigyan tayo ng sapat na lakas, talino at kakayanan, na marating natin ang ating mga pangarap sa buhay, sana sapat na ang naipon nating vocabs para maipasa ang EPS TOPIK at maging hudyat ito sa pag sisimula sa pag abot ng ating pangarap na makapag trabaho sa bansang South Korea.
Ibigay natin sa Panginoon ang pag desisyon sa kung saan man ang tamang landas na para sa atin. Naway bigyan niya tayo ng lakas ng loob sa pagtanggap sa realidad, at gayundin sa pag harap sa mga pag subok sa buhay.
Isuko sa panginoon ang lahat ng pag kabahala, takot, at pangamba. Kahit anu man ang inyong relihiyosong pananaw naniniwala ako na iisa lang ating panalangin at yon at mag tagumpay.
Ilaban ang pangrap!