14/09/2026
Magandang araw po sa inyong lahat💜
Posting this message of updates after mga 2-3 months na nawala sa social media gawa ng naging busy sa buhay!
Nais ko po mag announce ng 2 pagbabago sa aming mga followers, future recruits, kaibigan, kakilala, likers and bashers na rin na nakasubaybay 😅🤗😃😆
Una:
Meron na po akong ibang recruitment partnership since June 2026 at dito po ako busy bilang General Manager for New Zealand sa DRAKE INTERNATIONAL at ang link ay aking ipo- post dito soon. Naka focus na po ako sa global recruitment ng mga lokal sa bawa’t bansa na aming sakop.
May mga branches po kami sa NZ, Australia, Canada, Japan, South Africa, Singapore at, Philippines.
Based po ako dito pa rin sa Hamilton at papunta sa Canada for the next project in 2027 Lord willing.
Dahil lokal na ang aking focus, ito po ay citizens, PR, open work. Wala po itong work visa sponsorship. Accredited din kami pero naka focus ang aming accreditation sa ngayon sa healthcare sector namin called DRAKE MEDDOX.
I am open to assisting our Filipino community as long as lokal na po ang inyong status. Sa bagong link, pwede po kayong mag email sa akin doon at huwag na po sa Need4Skills.
May office man kami sa city madalas akong wala doon kaya by appointment po ako. Marami kaming trabaho na available throughout NZ.
Pangalawa:
RDT Limited.
Ito ang bagong FILIPINO recruitment company na sinimulan na ni sir Rommel natin. Marami pa rin kasi kaming mga loyal employers na ang gusto sa amin. Ilalagay ni sir Rommel ninyo ang link sa kanyang Facebook account dito soon.
Nandoon na LAHAT NG VACANCIES sa mga nais mag cross country or galing ng Pinas. Wala po itong lokal recruitment puro AEWV po ito. PTE is a must.
Salamat sa mga naka abang at patuloy na nag me message sa amin.
Regards and good luck,
Karen and Rommel.