04/10/2021
Read Carefully and Share🙏❤️
MGA ABISO NI KUYA CONSUL:
Kurume, Fukuoka Outreach
https://osakapcg.dfa.gov.ph/newsroom/advisories/566-kurume-outreach-passport-october-2021
SAVE THE DATE!
📲 OPENING OF APPOINTMENT PORTAL FOR PASSPORT: 06 October 2021 (Miyerkules)
🗓 SCHEDULE OF OUTREACH: 30-31 October 2021 (Sabado at Linggo)
📍 VENUE: 3rd floor, Kurumeri Ark Mutsumon
3-11 Mutsumon-machi, Kurume-shi, Fukuoka-ken, 830-0031
By online appointment na po ang lahat ng services para sa Consular Outreach Missions ng Konsulado. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng lahat lalo na sa panahon ngayon ng pandemiya o COVID-19.
🙋 Magbubukas po ang ating online appointment portal for PASSPORT APPLICATION/RENEWAL sa 06 October 2021.
Tandaan:
📣 Para sa PASSPORT po ang bubuksan na appointment portal sa Huwebes. Para sa magpapa-SPA/Notarials, ROB, ROM, LCCM at Sodan, abangan po ang mga susunod pang announcement sa darating na mga araw.
Ang period po para sa pagpapa-online appointment para sa PASSPORT ng Consular Outreach Mission namin sa Kurume, Fukuoka ay magsisimula sa Miyerkules, 06 October 2021 hanggang mapuno ang mga appointment slots.
Kapag napuno na po ang appointment slots, amin na pong isasara ang appointment system para sa nasabing serbisyo.
May ilang pa po tayong Outreach na naka-schedule sa taong ito. Kung sakaling maubusan ng appointment slot at hindi makakapunta sa Osaka, abangan na lamang ang iba pang outreach na naka-schedule sa kanilang mga rehiyon. Narito po ang tentative schedule ng mga consular outreach missions ng Konsulado para sa 2021:
https://osakapcg.dfa.gov.ph/newsroom/advisories/470-schedule-for-consular-outreach-missions-for-2020
Mahalagang Paalala:
Sapagkat tayo ay nasa ilalim pa rin ng panahon ng pandemya, maaari pa ring magbago o ma-kansela ang nasabing Outreach Mission sa Kurume depende sa mga magiging developments at panuntunan ng pamahalaan ng Japan sa mga sumusunod na araw o linggo. Abangan na lamang po ang maaari naming ipaskil na announcements sa mga sumusunod na araw/linggo sa aming website at page.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pag-unawa at pag-suporta. Manatili po tayong malusog at ligtas.